Monday, August 23, 2010

August 23, 2010: Hostage Taking, Manila Grandstand

Kahapon, umuwi ako ng bandang 11:45. Sobrang busy sa daan. Parang normal na araw lang. Pagdating ko sa bahay, the usual. Tapos, habang nagwawalis ang nanay ko nabanggit niya, "Grabe naman! Hindi pa tapos ang hostage taking hanggang ngayon. Kaninang alas diyes pa yun." Ako naman, dahil walang kamuwang-muwang sa nangyayari, napatanong ako, "Anong hostage taking?" Hayun na nga! Sa Manila Grandstand.

Familiar ang lugar. Sino ba naman ang hindi makaaalam ng luagr na yun, malapit sa Ocean Park at duon ang lugar kung saan nag-oath si PNoy. Pinanuod ko naman nuong ini-open ng nanay ko yung tv. Nakita ko yung pangalan ng hostage taker, Senior Inspector Rolando Del Rosario Mendoza. Parang familiar yung pangalan. Parang narinig ko na at napanood ko na siya sa tv dati. Pero hindi ko maalala ang mukha. Habang pinanunuod ko yung insidente, sabi ko nga sa sarili ko, parang nakita ko na yun, parang yun yung nangyari nuong 2007. Yung hostage taking sa Rizal Park. Same situation. Pinakain pa nga yung mga hostages eh. Pero ang napansin ko lang, napakakumpiyansa masyado ng negosyador. Naisip ko tuloy baka hindi niya mapasuko yung hostage-taker. Napakatagal na, wala pa ding nangyayari. Bago ako umalis sa bahay kinahapunan, sabi ko sa nanay ko, magdidinner pa sila sa loob ng bus. Malamang gabi na matatapos. At totoo nga. Kahit nasa office ako, hindi ako mapakali. Gusto ko pa rin mapanood kung ano ang nangyayari. Hindi ko man napanood ng buo, napanood ko naman yung huli. Napaka-tragic ng nangyari. Hindi ako makatulog nuon. Na-shock ako. Kasi feeling ko parang naging pain yung mga hostages. Na siguro hindi ganun ang nangyari. Na walang pakialam ang pulis kung mamatay yung mga tao sa loob ng bus. Kahit ang langit, nagluksa nuong gabing yun. Sobrang lakas ng ulan. Pero kahit anu pa man, nakaplano lahat ng bagay. Lahat ng pwedeng mangyari. Lalo na nuong araw na iyon. Ika-23 ng Agosto, Dalawang Libo at Sampu, sa Manila Grandstand.