Monday, August 2, 2010

Another Tuesday Morning

Napansin ko lang, parang napakadaling lumipas ang araw. Parang kailan lang nuong July tapos August na muli. At kahapon nga ay Lunes. Minsan tuloy, gusto kong magkaroon ng stopwatch. Yun bang patitigilin niya ang oras. Hindi ko alam kung bakit gusto ko nuon pero siguro dahil gusto ko lang maranasang magpahinga kahit sandali man lang.

Minsan napakahirap gumising. Pero sa bawat gising, nagpapasalamat ako dahil nabigyan ulit ako ng pagkakataon para magawa ang mga bagay na naisin ko. Yun nga lang, sa mga bagay na yun, madami duon ang kinatatamaran ko. Kagaya kanina. Natatamad akong gumising. Pero anong karapatan kong magreklamo, sa bawat oras na binibigay sa akin, yun na ang pinakaimportanteng natatanggap ko araw-araw, hindi nabibili ng pera. Hindi pa ba ako magpapasalamat duon? Pero minsan, dahil siguro sa pagod, mas gusto ko na lang magpahinga. Parang nararamdaman ko kasing tumatakbo ako sa isang bolang hindi humihinto. Nakahihilo pero taong ko nga ulit, ano naman ang karapatan kong magreklamo? Wala. Pasalamat na lang ako at may isa nanamang araw para sabihing, "Haay! Another Tuesday Morning!" ♥

No comments: