Thursday, August 12, 2010

Ramadan (Day 1, 2 and counting)

Dito sa Pinas, ang simula ng Ramadan na isini-celebrate ng mga Muslim ay August 11 at matatapos ito (Eid Fit'r) sa September 9. Ito ang buwan ng pagninilay-nilay at paghingi ng tawad kay Allah sa mga kasalanang nagawa. Ito rin ang panahon kung kailan pinasasalamatan si Allah sa mga biyayang natatamo sa araw-araw.

Sa buwan ng Ramadan ginagawa ang fasting. Ipinagbabawal ang pagkain, inumin at marami pang iba simula pagsikat ng araw hanggang takip-silim. Ang pagdarasal, pagbasa ng Qur'an o matulog lamang ang maaring gawin ngunit ang pagtulog ay dapat naayon din at hindi nakaliligtaan ang pag-sala't.

Isang buwan ng pag-aayuno. Bago man dumating ang araw na ito, tinanong ko muna ang sarili ko kung kakayanin ko ba, lalo na at ang pasok ko ay 7.30 ng umaga hanggang 7.30 ng gabi. Pero kakayanin ko. Tutulungan ako ni Allah para makaya ko yun. Sa unang araw ng, gumising ako ng maaga. Excited akong mag-fast kahit wala akong kasabay. Hindi ko man maenjoy dahil nag-iisa lang ako at wala akong kasabay na nag-aayuno. Kahit minsan napapagod, nauuhaw at nagugutom na ako, ayos lang! Kering-keri! Para kay God naman eh. Ito lang ang paraan para magpasalamat ako sa lahat ng biyayang ibinibigay niya sa akin kaya ayos lang. At sa hindi ko malaman kung paano, lagi niya pa rin akong tinutulungan. Kahit gaano kabigat ang dinadala, nabubuhat ko parin na parang magaan lang. Subhan Allah! Nakasurvive ako sa first day. ^_^

Second day, ngayon yun. Heto ako sa office. Galing ako sa kung saan - saan. Akala ko hindi ko maabutan ang oras ng pagsamba kanina pero umabot pa rin naman ako. Masha'Allah! At kahit medyo inaantok, napapagod at nauuhaw na. Kaya ko pa rin ito! :) Binabantayan ako ni Allah. At sabi ko nga, para ito sa Kanya. Ilang oras na lang Iftar nanaman.

Masaya ako sa pagiging Muslim, kahit palagiang hindi nila naiintindihan ang pananampalataya ko. Ok lang. Basta naniniwala ako ng walang ibang Diyos maliban kay Allah at si Mohamad ang kanyang propeta. ^_^

---

Ika-ilang araw ko na ba ngayon? 12th day ko na! Parang napakatagal ko ng nagfafasting. Nasasanay na din ako ngayon kahit papaano. Araw-araw, gumising ako ng 4 sa umaga, kumain, maligo, magdasal tapos matutulog ulit at gigising kapag kailangan ko ng pumasok sa office tapos uwi before 12, pray tapos balik sa office tapos uwi na ako sa gabi. Gumagaan ang pakiramdam ko. Masarap pala ang mag-ayuno. Eighteen days pa, at kakayanin ko ito. ^_^

No comments: