Monday, May 31, 2010

Monday

Wala namang importante sa araw na ito. As usual, gumising ako ng late, kumain, naligo at nag-ayos ng dadalhin sa office -- laptop (check) cellphones (checks), keys (checks) at ang pinakaimportante panyo (check). Nakatatamad pumasok pero kailangang maghanap ng pera. Tingin ko ito ang ika-189 days na pagpasok ko dito. (Magbunyi!) Hindi ko pa nadededuct yung mga absences ko at yung mga araw na nag-OB ako. Hahaha! Ayos magtrabaho dito. Hindi ko namamalayan na ilang buwan na pala ako dito. Ayos ang trabaho, paupo-upo, internet, facebook, twitter, pakain-kain at siyempre every two weeks, gawa ng report. Ayos! Saan pa ako. Ang pinakamasarap sa lahat, kahit may absences ako buo pa rin ang sahod ko. Ayos na ayos hindi ba? This is life!

Kahit iba ang trabaho ko sa kursong natapos ko, hindi ko pa rin kinalilimutan ang mga napag-aralan ko. Ayaw ko munang lumipat ng trabaho, una, kung lilipat man ako ay dapat, mas mataas ang sahod ko kaysa dito, madaming benefits (wahaha), yung trabahong gusto ko. Teka teka, trabahong gusto ko? Hmm? Ano nga ba ang trabahong gusto ko? Hindi ko rin mapagtanto. Pagkagraduate ko kasi, akala ko ang gusto ko talagang gawin ang magmix and match ng colors, hindi tagapintura ok? Ang ibig kong sabihin, magdesign, maging graphic artist. Yun lang kasi ang (sa pagkakalam ko) alam kong gawin. Pinasok ko ang mundong yun. Magdesign. Gumawa ng kung anu-anong lay-out gamit ang photoshop. Kahit mababa ang sahod ok lang. Trip ko lang namang mag-apply nuon duon. Ok lang yun madami naman akong natutunan. Hanggang dumating ako sa oras na parang nagsawa na ako. (Napakamakulay na kasi ng buhay ko. Araw - araw na lang akong nakakakita ng kulay. Minsan nga tinatanong ko yung mga kasama ko kung maliban sa Red, Blue, Green, Yellow at Orange, may ibang kulay pa ba na pwedeng gamitin. Yung bago naman. Sinagot ako, "Meron" sabing ganyan. Excited naman akong malaman kung ako yun pala VIOLET! Violent tuloy ang pagkakaintindi ko.) Napagod. At hindi ko na din alam kung ano talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Isang araw biglang sumagi sa isip ko, paano kaya kung ang gusto ko palang gawin sa buhay ko ay maging basurera? Kapag nangyari yun, ako na siguro ang kauna-unahang basurera na nakatapos ng kolehiyo. Ako ang basurerang nakalaptop. Ako ang basurerang marunong mag-ingles, ako ang basurerang marunong magprogram. WTF! Natawa na lang ako sa sarili ko. Naghirap-hirap pa akong mag-aral para lang maging ganun. Walang hiya! Kaya gumawa nanaman ako ng goal ko sa buhay. Hayun, pagkatapos kong magresign as graphic artist, umokey ako sa trabahong inaalok sa aking ng kaibigan ko. Tinatanong mo ba kung saan ang goal duon? Mamaya,malalaman mo.

So yun na nga, pinasok ko ang trabaho ko ngayon. At, nito ko lang nalaman na marunong pala talaga akong magprogram! What the? Kita mo yun? Ang unang goal, makagawa man lang ako ng kahit na isang system. Yung pinakasimple sa lahat. At nakagawa nga ako, dalawa pa! Yung ibang goals ko kusa na lang dumadating yung mga yun. Pag dumating, ishe-share ko rin. Promise!

Hayan, patapos nanaman ang araw ko. Ano nanaman kaya ang mangyayari bukas. (Asa pa ako. Siyempre kagaya ulit ngayon.)

No comments: