Friday, June 4, 2010

Hospitality

Kahapon, sinamahan ko sa isang school yung dalawang hapon (H1, H2) na kasama namin sa office para mag-apply. Pagdating namin duon, nanduon yunug mga kakilala nung H1. Nagtanong ako sa kanila. Ok naman sila sumagot kaya lang, hindi man lang sila mag-smile. Parang sobrang iritable yung kulang na lang sabihan niya ako ng "Hello? Di mo ba nababasa yung napakalaking image sa bunbunan ko? Sabing NO ASKING!" Natatawa ako nanabubuwisit dahil tinanong ko naman sila ng tama, nakasmile naman ako, what the heck is wrong? So ok lang pinalampas ko yun. Since wala pa yung hinahanap namin, kumain muna kami dahil nagugutom si H1. Kumain na din si H2. Ako naman, busog pa kaya nagorder na lang ang ng pulpy orange. Pagkatapos nilang kumain, bumalik na kami sa loob ng campus. Naghintay sa office, mga isang oras din yun. Pagdating namin sa loob ng office, nakita ko yung dati kong teacher nuong highschool. Nakipagkwentuhan and all. Tiningnan namin yung oras, magiisang oras na pala kaming naghihintay kayanagtanong ako duon sa nasa loob ng office. As usual, wala man lang smile. Ito ang nakatatawa duon, dapat, nakangiti silang tumanggap ng tanong dahil ang department nila ay Hospitality Industry Management, sa lagay na yun, may hospitality ba? Tsk! Ang weirdo nga naman ng mga tao. :)

No comments: